Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulog sinakyod ng kapitbahay

0 149

Agaw-buhay ang isang binata nang pasukin sa loob ng bahay at saksakin ng kanyang kapitbahay habang ang nauna ay mahimbing na natutulog sa Malabon City, Miyerkoles.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Wilfredo Tumampil, 33, naninirahan sa Rizal Avenue, Barangay Tañong, sanhi ng malalim na saksak sa dibdib.

Pinaghahanap naman na ng mga pulis si John Paul Santos, nasa hustong gulang, na nakilala ng isang babaeng witness at isang lalaking witness.

Sa pahayag ng dalawang saksi kay P/SSg. Jeric Tindugan ng Station Investigation Unit (SIU) ng Malabon Police, bandang alas-11:30 kamakalawa ng tanghali, nakita nila ang suspek na pumasok sa loob ng bahay ng biktima na noo’y mahimbing na natutulog.

Ilang sandali ang lumipas, nakita rin nila na lumabas si Santos, kung saan may dugo ang damit nito kaya minabuti ng dalawa na pumasok sa bahay ni Tumampil para malaman ang pangyayari. Doon, nakita nila ang duguang biktima na walang malay.

Dinala ng mga kapitbahay ang biktima sa nasabing pagamutan habang pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek na dala ang patalim na 11 pulgada ang sukat.

Inaalam na nina Tindugan ang motibo sa tangkang pagpatay sa biktima.

Samantala, sinampahan na ng kasong frustrated murder si Santos. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.