Tuliro si Bongbong

By

Natutuliro na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa panibagong mosyon na ini­hain nito sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay ng kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ganito ang sinabi ng abogado ni Robredo sa PET tungkol sa mosyon ni Marcos na i-decrypt at iimprenta ang ballot images ng may 17,811,543 balota mula sa 36,465 clustered precincts.

“(It) shows that Marcos is a confused lot not knowing whether to decrypt the ballots or revise or recount the ballots as prayed for in his election protest,” pahayag ni Atty. Romulo Macalintal.

Ayon kay Macalintal, naka-pending pa ang isyu ukol sa revision o recount ng mga balota sa PET dahil kinuwestiyon ng mga ito ang election protest ni Marcos dahil insufficient in form and substance ang reklamo at protesta ng dating senador dahil hindi idinetalye ang mga clustered precinct na kanyang iprinotesta.

Lalong naging inconsistent umano si Marcos dahil ang VCMs at SD card are bahagi ng AES na sinasabi nito sa kanyang protesta na “vulne­rable system with breaches of security protocols which undermined the integrity of the entire electoral process”.

SHARE