Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulfo sisilipin 6 buwan passport renewal

0 175

Sa oras na makaupo bilang chairman ng Senate committee on Overseas Filipino Workers, ipasisiyasat ni Senator-elect Raffy Tulfo ang pagka-delay ng passport renewal, lalo na sa mga OFW.

“Marami ring dumudulog sa aking programa hinggil naman sa makupad na proseso ng passport renewal kapag direkta sa DFA office nag-aaplay,” sabi ni Tulfo.

“We want to know and understand why it takes up to six months for OFWs to get an appointment for passport renewal when they go to DFA offices abroad, especially in the Middle East,” dagdag pa niya.

Ipinagtataka ni Tulfo na mabilis ang pagproseso ng pagkuha ng passport kung dadaan sa private passporting agencies subalit napakabagal naman aniya kapag individual applications.

Dagdag pa niya, gagawan niya din ng paraaan para maging libre na ang pagpapa-renew ng passport ng mga OFW.

“I shall look for ways on how to make the processing of passport renewal free for OFWs since they are contributing billions to our economy in terms of remittances,” ani Tulfo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.