Una sa Balita

Tulfo pinagso-sorry sa pinag-resign na guro

0 878

Nagkaisa ang mga netizen sa panawagan na #JusticeForTeachersPh at dapat daw mag-sorry si Raffy Tulfo sa guro na pinagbitiw nito matapos ireklamo ng mga magulang sa kanyang programa.

Nag-ugat ito sa isang episode ng programa ni Tulfo na may pamagat na “Mommy, Ipina-Tulfo Ang Pasaway Na Teacher Ng Kanyang Anak!”

Sa nasabing video, ipinakita ang CCTV footage kung papaano pinalabas ng guro ang estudyante matapos umanong makalimutan dalhin ang kanyang card.

Inireklamo ito ng mga magulang ng bata habang pinapili ni Tulfo ang guro na magbitiw na lang o makukulong sa kasong child abuse.

Nakisimpatiya ang mga netizen sa titser na si Melita Limjuco at sinabing walang mali sa ginawa nitong pagdidisiplina sa estudyante.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More