Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulfo gustong pag-ayusin sina Tekla, Michelle

0 348

Para kay Raffy Tulfo, mas gusto niyang magkaayos na lang sina Tekla at ang live in partner nitong si Michelle.

“Para sa akin mas maganda sana kung magkaayos na lang sila. Ako tumitingin ako sa opinion ng mga netizen. Sabi nila, ‘bakit ka magkakaso kay Tekla, eh, nagmahalan naman kayo, at tumutulong naman si Tekla sa family mo. Nasaan ‘yung utang na loob mo?’.

“Tama naman, may point naman ang mga netizen. Mas maganda na magkaayos na lang sila, alang-alang sa anak nila.

“May mga nagsasabi rin na baka planted lang ito, na baka pera-pera lang. So, puwede rin. So, kay Tekla, kung magsasalita siya, sana naman magsallita siya, dahil patas naman ako.

“Mas maganda sana kung si Tekla talaga ang magsalita. Pero sana magkaayos talaga sila. Yan din ang gusto ng maraming netizen,” sabi ni Tulfo.

Anyway, mas marami ngang pasabog si Tulfo sa show na ‘Idol in Action’ na ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes (10:30 a.m.). Umani nga ito ng suporta sa YouTube na tinatangkilik din sa buong mundo, lalo na ng mga Pinoy OFW (Overseas Filipino Workers) na sumusubaybay sa programang Wanted sa Radyo na nakatulong gawin itong isang global phenomenon.

Ang kanyang pagmamalasakit at no-holds-barred persona ang tumutulong sa kanya upang lutasin ang mga isyung panlipunan. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng titulong, “Hari ng Public Service.”

Sa ngayon, nasa 16 million na ang followers niya sa kaniyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action at mayroon rin siyang 3.1 million na tagasubaybay sa kanyang aktibong Facebook community.

Sa segment na “Tulong ni Idol”, ang programa ay nagbibigay-tulong sa mga nanonood, sumusulat, at tumatawag tungkol sa kanilang personal na kalagayan, at maaaring makatanggap ng P5,000 to P50,000. Ang mga video clips na ito ay inilalagay rin sa Facebook Group ni Raffy upang makita ng mga may mabubuting loob na gustong magpaabot ng kanilang tulong sa mga mas nangangailangan.

Kasama ni Raffy na nagbibigay saya at tulong sa programa na ito ang kaniyang Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko. Ang mga co-host sa Idol in Action ay sina MJ Marfori at Marga Vargas, na parehas na kilala ang husay sa larangan ng hosting at pagbabalita. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.