Una sa Balita

Tulfo atbp kinasuhan

0 322

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang Special Envoy for Public Diplomacy to China at columnist na si Ramon T. Tulfo dahil sa mga alegasyon nitong ‘false, reckless, and defamatory’ laban sa buong Bureau of Internal Revenue (BIR) at mga opisyales nito kabilang na si BIR chief Caesar Dulay sa kanyang mga kolum sa isang pahayagan.

Kasamang haharap sa tatlong kaso ng libel at pitong kaso ng cyberlibel na inihain sa Quezon City Prosecutors Office sina Manila Times President at CEO Dante F.M. Ang at ilang mga editor.

Humihingi si Dulay ng P20 mil­yong danyos para sa moral damages na naidulot nito na kanyang ido-donate sa L’Arche (Ang Arko ng Pilipinas, Inc.), isang komunidad na nag-aalaga sa mga mentally-handicapped na kabataan.

Maliban sa paglathala sa mga diyaryo ay isinapubliko pa ng The Manila Times ang kolum ni Tulfo sa website nito at pati na rin sa kanilang mga social media account, kasama na ang Facebook.

Ayon sa reklamo ni Dulay, “the aforementioned defamatory imputation has caused me enormous physical suffering, mental anguish, fright, serious anxiety, besmirched reputation, wounded fee­lings, moral shock and social humiliation.”

Samantala, sa liham ni BIR executive Teresita Angeles sa Manila Times, pina­bulaanan niya na siya ang babaeng nasa video recording: “I am deeply saddened, shocked and quite angered that you allowed such articles to be published at all. It is outrightly false, malicious, illegal and damaging to my reputation.”

Nauna nang naghain ng tatlong libel complaint laban kay Tulfo si Executive Secretary Salvador Medialdea. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy