Una sa Balita

Tulay sa ibabaw ng Pasig River unahin kesa Rockwell Bridge

Tolentino kay Villar:

0 556

SA halip na unahin ang pagsasara ng Rockwell Bridge, iginiit ni dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino na mas dapat atupagin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng tulay sa ibabaw ng Pasig River kung tunay umano ang intensyon nito na mapagaan ang daloy ng trapiko sa buong Metro Manila.

Sa kanyang liham kay DPWH Secretary Mark Villar, idiniin ni Tolentino ang mahigpit niyang pagtutol sa pagsasara ng Pantaleon-Estrella Bridge na mas kilala bilang Rockwell Bridge dahil hindi naman ito kailangang galawin at walang panganib na iniaamba sa mga motorista.

Aniya, bago pa rin naman ang tulay na pinasi­nayaan noon lang 2011 kumpara sa ibang tulay sa Metro Manila na sobra nang luma pero hindi man lang nasusuri ng ahensiya.

Dagdag ni Tolentino, hindi rin uubra na pagamitin ng mga alternatibong ruta ang mga motoristang dumaraan sa Rockwell Bridge dahil tiyak din naman aniya na magsisikip ang mga ito kapag umapaw na ang mga sasakyan.

Sa halip na sirain ang matibay pa naman na ­tulay, sinabi ni Tolentino na mas maiging pokusan ng DPWH ang konstruksyon ng tulay sa ibabaw ng Pasig River dahil mas malaki ang bulto ng mga ­sasakyang makakadaan dito.

Sa pagsasara ng tulay, ang dating 10 minutong biyaheng Makati-Mandaluyong at pabalik ay aabutin na umano ng mahigit isang oras.

Dahil tuluyang papalitan ang tulay, kailanganin pang umikot ang mga motorista at gamitin ang Mandaluyong-Makati bridge para makatawid patungo sa mga nasabing siyudad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy