Una sa Balita

Tulak todas, 2 pa kalaboso sa Bulacan

0 341

ISANG drug peddler na kabilang sa drug watch list ng Meycauayan City police ang napatay nang manlaban umano sa awtoridad na nagkasa ng anti-illegal drug operation sa Meycauayan City at San Jose del Monte City (SJDM).

Nakilala ang napatay na tulak na si Christopher Encabo alyas Balawis, ng Brgy. Malhacan, Meycaua­yan City na namatay sa pook ng insidente bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan alas-2:30 kamakalawa nang madaling-araw.

Nakipagtransaksyon umano ang poseur buyer kay Encabo pero nakatunog ito na pulis ang kaharap kaya pinaputukan ang awtoridad na gumanti rin ng putok.
Nakarekober kay Encabo ng 10 pakete ng shabu, isang kalibre 38 rebolber na kargado pa ng tatlong bala at buy-bust money.

Samantala nadakip naman sina Marie Emmanuel Aguas, 21, at Ronaldo Divero, 51, at kapwa nakatira sa Block 1, Lot 43, Phase 2, Brgy. San Rafael ng SJDM, alas-4:00 kamakalawa nang hapon.

Narekober ng pulisya sa dalawang tulak ang 11 pakete ng shabu at buy-bust money at kapwa nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More