Una sa Balita

Tulak tinodas sa Negros Oriental

0 273

Patay ang isang da­ting drug surrenderee na bumalik ­umano sa pagtutulak ng iligal na ­droga matapos na ­pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa ­ba­yan ng Valencia, Negros ­Oriental.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan si ­Hilario Villo, 58­-anyos, na ­sumasailalim sa Community Based ­Rehabilitation Program.
Alas-singko kahapon nang ­madaling-araw nang maganap ang ­krimen, ayon kay ­Police ­Major Romeo Cubo, hepe ng ­Valencia ­Municipal Police Station, ­kilalang tulak ng iligal na droga ang ­biktima na sumuko sa pulisya kamakailan kaya isinailalim sa nasabing ­programa.

Gayunman, na-mo­nitor umano ng ­pulisya na ­mu­ling ­bumalik sa pagtutulak ng ­iligal na droga si Villo kaya ­sumailalim ito sa ­surveillance para arestuhin pero naunahan umano sila ng suspek at ­pinatay na ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang pumatay sa suspek at sa ­motibo nito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More