Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulak sugatan sa P69K shabu buy-bust

0 215

Sugatan ang isang hinihinalang tulak habang arestado ang isa pa sa buy-bust operation kung saan P69,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pulis sa Dasmariñas City, Cavite Biyernes ng gabi.

Dinala sa ospital ang sugatang suspek na kinilalang si Elvin Esguerra, 40. Nakilala naman ang kanyang kasama na si Marvin Tagayon Linaban, 44, kapwa residente ng Barangay H2, Dasmariñas City.

Sa ulat ni Staff Sergeant Wilson Candaba ng Dasmariñas City Police, alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang ikasa ang anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sa Barangay H2 kung saan target ang mga suspek.

Sa kalagitnaan ng transaksiyon, nahalata ng dalawa na pulis ang kanilang kausap kaya pumalag si Esguera at tinangkang tumakas kasabay ng pagpapaputok umano ng hawak niyang kalibre 9mm subalit gumanti rin ang awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkakasugat.

Narekober sa mga suspek ang tinatayuang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P69,000, dalawang baril na kalibre .45 at 9mm, at mga bala. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.