Una sa Balita

Tulak sa Puerto Galera patay sa buy-bust

By
0 297

NASAWI sa operasyon ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Puerto Galera Municipal Police ­Station ang isang umano’y tulak ng iligal na droga sa kanilang lugar ­matapos manlaban noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na target ng operasyon na si Benjo Gayod, ­residente ng Barangay Sabang, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino ng Regional Public Information Office ng Mimaropa-PNP, nagkasa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga ope­ratiba ng pulisya sa bahay ng suspek ngunit habang bumibili umano ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer ay nakatunog ang suspek kay’t bumunot ito at nagpaputok ng baril.

Hindi tinamaan ang pulis kaya nakabunot ito agad at nabaril ang suspek.

Sinubukan pang dalhin ng pulisya ang suspek sa Puerto Galera Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nakuha sa suspek ang isang caliber 38 na baril, 12 heat-sealed plastic sachet na may lamang diumano’y shabu at P1,000 marked money.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lu­malabas rin na ang suspek ay isa sa pitong detainee ng San Pedro City Police Station sa Laguna na tumakas sa kulungan noong Mayo 23, 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy