Una sa Balita

Tulak ng Tumana, nalambat sa buy-bust

By
0 524

Nalambat na ng Marikina City Police ang kilabot na tulak ng droga sa Brgy. Tumana makaraan ang ikinasang drug buy-bust operation kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Steve Verso y Dulay, 21-anyos, walang trabaho at pagtutulak ang gina­wang hanapbuhay at residente ng Block 28, Sitaw St., sakop ng Brgy. Tumana, Marikina City.

Batay sa report, nagsagawa ng drug buy-bust operations ang mga tauhan ng station drug enforcement unit bandang alas-9:45 kamakalawa ng gabi sa bahay ng suspek sa Brgy. Tumana na kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakakuha ng droga sa suspek sa isinagawang tran­saksyon.

Nakumpiska mula sa suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na positibong naglalaman ng shabu at P500 peso bill bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive illegal drugs act.