Una sa Balita

‘Tulak’ nalambat sa buy-bust

By
0 2

Isang tulak buhat Marawi ang nadakip ng pinagsanib na operatiba ng San Jose del Monte City police at PDEA 3 operatives makaraang makumpiskahan ng anim na pakete ng shabu sa isinagawang buy-bust ­operation sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Fitz R. Macariola, San Jose del Monte City police chief, ang naarestong si Isnairah Macaombaoy y Angonot alyas Isnah, 19, binata, tubong Marawi at residente rin sa Dasmariñas, Cavite.

Ang suspek na si Macaombaoy ay nakakulong ngayon sa city jail at nahaharap sa kasong illegal drugs matapos na makumpiska sa kanyang pag-iingat ang anim na pakete ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang City police at PDEA operatives laban sa suspek sa Verde Heights, Brgy. Kaypian ng nasabing lungsod at matapos kumagat sa entrapment ay hindi na ito pu­malag nang arestuhin.