Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulak nagpaputok sa pulis, todas

0 154

PATAY ang isang hinihinalang tulak nang nakipagbarilan sa awtoridad sa buy bust operation sa Cavite.

Kinilala ang napatay na si Jonathan Mulos, 36, ng Pasong Saging, Brgy Poblacion 5, General Mariano Alvarez (GMA) GMA, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, alas-6:20 Biyernes ng gabi nang isagawa ang buy bust operation ng Drug Enforcement Group (DEG) ng GMA MPS sa Pasong Saging, Barangay Poblacion 5, GMA at target ang suspek.

Sa kalagitnaan ng transaksiyon, nang mapuna ng suspek na pulis ang kausap ay nagbunot ito ng baril at ipinutok sa awtoridad subalit gumanti ang huli na ikinasawi nito.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 38 na baril, bala, droga at buy bust money. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.