Una sa Balita

Tulak na tinulungang makatakas ang kasabwat, todas

0 299

KAMATAYAN ang kina-hantungan ng isang drug suspect nang tulungang makatakas ang kapwa nito tulak na aarestuhin sana ng mga awtoridad sa Brgy. Calapacuan sa Subic, Zambales, Linggo nang madaling-araw..

Ihahain sana ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station ang warrant of arrest laban kay Julnari Nali dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions.

Gayunman, ayon kay P/Maj. Jude Bryan Maguddayao, Subic MPS chief, mabilis na tumakbo ang suspek nang makita ang mga awtoridad patungo sa bahay ni Ommay Jalmaani, habang tinangka naman nina Kaisar Jakaria at Eli Balani na isarado ang gate ng bahay.

Nang makapasok ang mga awtoridad sa bahay ni Jalmaani, nagpaputok ito ng baril na humantong sa engkuwentro hanggang mapatay ito.

Pero dahil sa pagkaantala umano sa pag-aresto, nakatakas si Nali na siyang target ng mga awtoridad.

Nabatid kalaunan na dati nang naaresto si Jalmaani sa paglabag sa RA 9165 noong Agosto 11, 2017.

Arestado naman sina Jakaira at Balani at ang kalibre .38 na ginamit ni Jalmaani at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Randy Datu)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy