Una sa Balita

Tulak na nanlaban todas, shabu queen arestado sa Bulacan

0 385

PATAY ang isang drug pusher na kabilang sa drug watchlist ng pulisya makaraang manlaban habang arestado naman ang tinaguriang shabu queen sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Meycauayan City at Plaridel, Bulacan kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na tulak na si Joel Balajadia y Bergonia, 39, ng Barangay Bayugo, Meycauayan City na namatay sa lugar ng insidente bunga ng tama ng bala sa katawan habang nasakote naman si Novela Villamonte alias Lovely, 38, ng Barangay Sto. Nino, Plaridel na nakadetine ngayon.

Bandang alas-12:30 nang madaling-araw kahapon nang magkasa ng buy-bust operation ang pulisya sa Barangay Longos, Meycauayan City at kanilang target ang nasa kanilang drug watchlist na si Balajadia ngunit mabilis itong nakatunog na maraming pulis sa paligid kaya bumunot ito ng baril at nanlaban at napatay sa palitan ng putok.

Nakarekober ang awtoridad ng isang kalibre 38 rebolber na kargado ng tatlong bala, isang black pouch na may lamang 13 pakete ng shabu at marked money samantalang ang suspek namang si Villamonte ay nakorner sa Barangay Sto.Nino, Plaridel at makumpiskahan din ng 3 pakete ng shabu at buy-bust money.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy