Una sa Balita

Tulak na may warrant of arrest todas sa encounter

By
0 447

Todas ang isang drug pusher na umano’y may nakabinbing warrant of arrest nang manlaban ito sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation habang dinampot naman ang kanyang parukyano, kamakalawa nang hapon sa Valenzuela City.

Sa isinumiteng ulat ni P/ Chief Inspector Jowilouwie B. Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Sr. Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police Station, dead on the spot ang suspek na si Eduardo Espino, nasa hustong gulang naninirahan sa Libuan Street, Bara­ngay Malanday ng nasabing lungsod.

Nang humupa ang putukan, dinampot ng grupo ni Major Bilaro si Jojie Lazaro, 46, na parukyano ng suspek sa iligal na droga.

Kwento ni Major Bilaro, bandang ala-una nang hapon, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa lugar ni Espino, saan si PO1 Julius Bernardo ang nagsilbing poseur buyer at umiskor ng shabu na halagang P500.

Nakahalata daw ang suspek na pulis ang kaharap kaya tumakbo ito saka pinaputukan niya ang pulis, su­balit hindi tinamaan.

Dito na gumanti ng putok sina SPO1 Santillan at tinamaan sa katawan si Espino na siya nitong ikinasawi, habang pinosasan ng iba pang parak si Lazaro.

Narekober sa napatay na suspek ang 18 gramo ng shabu na may market value na mahigit P50,000 at isang cal. 38 na may apat na bala.

Base sa rekord, may pending warrant of arrest sa sala ni Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 171 si Espino sa kasong illegal drugs at nasa watch list ng barangay.

Kinasuhan si Lazaro ng Violation of Sec.11 ng RA 9165.