Una sa Balita

Tulak na ermat, swak sa kulungan

By
0 3

Swak na sa kulungan ang isang babae na kilalang tulak ng Kalawaan matapos ang isinagawang drug buy-bust operation kamakalawa sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 si Amalia Esmael y Manday, nasa hustong gulang at residente ng Elico Road, Pasig.

Sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang Pasig PNP bandang ala-1:30 Linggo ng madaling-araw sa Elisco Road, Barangay Kalawaan, Pasig City makaraang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Ayon sa pulisya, kasama si Esmael sa drug watch list at matagal na nilang minamanmanan hanggang positibong matukoy na drug pusher ito.

Agad na dinampot si Esmael nang iaabot na nito sa poseur buyer ang droga.

Nakumpiska sa suspek ang limang sachets ng shabu at P200 buy-bust money at kasalukuyan na itong nakakulong.