Una sa Balita

Tulak laglag sa buy-bust

By
0 2,634

KULUNGAN ang bagsak ng isang kilalang tulak ng Brgy. Buting, Pasig City matapos ang ikinasang buy-bust operation kahapon nang madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Elbert Pineda y Quizon, vendor, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Buting, Pasig City at kasalukuyang nakakulong sa detention cell sa kasong paglabag sa RA 9165.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga tauhan ng drug enforcement unit makaraang makatunog na talamak na naman ang bentahan ng droga sa nasabing lugar kung saan ay kilala ang suspek na isa sa nagbebenta dito.

Naaresto si Pineda bandang alas-3:30 kahapon sa kahabaan ng San Guillermo St., sakop ng Brgy. Buting, nang makipagtransaksiyon ang isang pulis para bumili ng droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Nabatid na hindi kasama ang suspek sa listahan ng drug watchlist subalit kilala itong tulak sa kanilang barangay at kalapit lugar.