Una sa Balita

Tulak kumikita ng P56K sa Senado

0 542

Suwerte naman ng isang lalaki sa Senado dahil kahit nagtutulak lamang siya ay kumikita naman ito ng P56,000 kada buwan bilang suweldo.

Itinimbre ng impormante ni Mang Teban na itong lalaki ay hindi naman nagtatrabaho sa Senado, pero kumukubra siya ng suweldong P36,000 at grocery allowance na P20,000 kada buwan.

Ang nakakaloka dito, LSO3 o legis­lative staff officer itong si kumag pero bihirang makita sa Senado, aba’y alam kaya ito ni PACC chair Greco Belgica?
Palaging nasa labas daw itong si LSO3 at nagtutulak ng wheelchair ng isang senior citizen. Hindi na niya kailangang pumunta ng Senado kapag suweldo dahil nakapasok na ito sa ATM.

Wais din itong lalaki dahil nalulusutan niya kahit ang Commission on Audit (COA) dahil hindi man lang ito nabubuking kahit ilang taon na siyang kumukubra sa Senado.

Malamang na may kakutsaba itong senador kaya’t ito ang susunod na tutumbukin ni Mang Teban.

Pintahan n’yo na. Ang lalaki ay asawa ng isang opisyal ng gobyerno na may letrang N sa kanyang pangalan, as in Na-gets n’yo ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy