Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulak kalaboso sa P1.4M shabu

0 275

Nalambat ng Drug Enforcement Unit ng Olongapo City Police ang kinikilalang notorious drug peddler at nakuhanan ng P1.4 milyong halaga ng illegal drugs sa ikinasang buy-bust operation.

Nakilala ang suspek na si Oliver De Jesus De Jesus, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. San Ramon, Dinalupihan, Bataan, at kabilang sa listahan ng drug watchlist ng Olongapo City Police.

Inaresto ng mga tauhan ng Station 3-Drug Enforcement Unit ng Olongapo City Police ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng Royal Choice Duty-Free sa Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City, noong Huwebes.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang nasa 186 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.434 milyong piso.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek sa City Prosecutor’s Office ng Olongapo City. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.