Una sa Balita

Tulak inasinta sa ulo, patay

By
0 1,827

Kaagad namatay matapos asintahin sa ulo ang isang umano’y ‘tulak’ ng di pa kilalang gunman sa harap ng bahay nito, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Rizaldy Yap alyas ‘Pachot’, 52-anyos, residente ng no. 1040 New Antipolo st., Brgy. 217, Tondo, Maynila.

Inilarawan naman ang gunman na may takip ang mukha, nakasuot ng kulay pulang sumbrero at puting sando na nakitang tumakbong papalayo matapos bumagsak sa kalsada ang duguang biktima .

Nabatid na alas-otso ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Antipolo St., tapat ng bahay ng biktima .

Ayon sa saksi, may humintong motorsiklo na riding in tandem. Bumaba umano ang angkas sa harapan ng bahay at binaril ang biktima na nakatayo sa gilid ng bahay nito.

Kaswal lamang na nag­lakad bago tumakbong papalayo ang gunman palayo sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy