Una sa Balita

Tulak ‘di nakapalag sa buy-bust

By
0 600

Matapos ang halos isang linggong surveillance, naaresto rin ang kilalang tulak ng Barangay Malanday sa ikinasang drug buy-bust ope­ration ng Marikina Police, kamakalawa nang gabi.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Peter Camba, 26-anyos, residente ng 36 G. Fernando St., Barangay Malanday, Marikina City.

Ayon sa report, isinagawa ang buy-bust operation ng mga miyembro ng Station Drug enforcement Unit na pinangungunahan ni Police Insp. Greco Gonzales sa bahay ng suspek bandang alas-7:30 kamakalawa nang gabi matapos makumpirma na positibong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Isang pulis ang umaktong buyer at matagumpay namang nakabili ang pulis sa suspek at sa isang hudyat sa kanyang mga kasama­han ay naaresto si Camba.

Narekober sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,000 at P500 na ginamit bilang buy-bust money.