Una sa Balita

Tulak, carnapper suspect nasakote

By
0 4

Tinangkang tumakas ng suspek na nagbenta ng shabu sa poseur buyer, sa ikinasang buy-bust operation ng Kawit Municipal Police Station sa Cavite, dakong ala-una ng tanghali kahapon.

Sa panayam ng Abante kay PC/Insp. Dhefry Punzalan, nabatid na lumutang ang suspek na si Rigor Papa y Enrique, sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Putol Kawit, Cavite, ngunit nang maramdaman ng suspek na aarestuhin siya ng mga operatiba, agad nitong pinasibad ang gamit na motorsiklo.

Bunsod nito’y nagkaroon ng habulan mula Kawit hanggang masakote sa Cavite City ang tumakas na suspek.

Narekober sa pag-iingat nito ang 200 buy-bust money, sling bag na naglalaman ng tig-isang cal. 22 at cal. 22 replica, mga bala at 11 pakete ng hinihinalang shabu.

Napag-alaman rin na karnap ang gamit na motorsiklo ng suspek na nakapangalan kay Ariel Guzman.

Sa panayam ng Abante sa suspek, inamin nito na bukod sa pangangarnap ng motorsiklo ay isa rin umano siyang gun for hire.