Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tulak bulagta sa buy-bust

0 158

Patay ang isang suspek na umano’y tulak ng shabu matapos mauwi sa engkwentro ang anti-illegal drugs police operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Tiaong, Quezon, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Tiaong police ang napatay na suspek na si Wencel Solis alyas ‘Tikmu’, 48-anyos, residente ng Brgy. San Mateo sa katabing bayan ng Dolores sa parehong probinsya.

Batay sa report, ikinasa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Tiaong municipal police station ang operasyon sa Sitio Calumpit, Brgy. Talisay, Tiaong, dakong alas-6 ng gabi.

Kumagat sa patibong ang suspek at nakabili ang nagpanggap na buyer at ang informant ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Subalit nakatunog ang suspek na may mga awtoridad sa lugar kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulisya.
Napilitang gumanti ang humahabol na mga pulis at nasapol ang suspek, nang isugod sa ospital sa Candelaria ay dineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, at limang sachet ng shabu na may timbang na nasa 1.74 gramo at tinatayang may street value na P35,496. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.