Una sa Balita

Tula ng anak sa inang OFW nagpaluha sa mga netizen

0 1,493

Naging viral sa social media ang tula ng isang Ilongga para sa kanyang inang overseas Filipino worker (OFW).

Marami ang napaiyak sa tula ni Iva Jamelarin, lalo pa’t malalim ang hugot nito hinggil sa kanyang nararamdaman sa inang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang viral video ay nakarating sa ina ni Iva na si Eva Jamelarin na nagtatrabaho sa Hong Kong.
Nang imbitahan si Iva na bigkasin ang tula sa recognition daw ng eskuwelahan, hindi niya alam na nakauwi na pala ang kanyang ina at nakinig sa madamdaming tula ng anak.

Ayon kay Eva, hindi niya akalaing tula pala ng kanyang anak dahil kapag sila’y magkasama ay hindi naman ito nagpapakita ng kanyang emosyon.

Aminado si Eva na mahirap mawalay sa kanyang mga anak pero kailangan niya itong gawin upang mabuhay ang mga ito.

Sa ngayon ay mayroon na silang sariling bahay. May ipinapasada nang tricycle ang asawa nitong si Ike at mayroon pa silang piggery.

Dalawa sa kanilang anak ang magtatapos na sa kolehiyo, isa ay kumuha ng criminology at isa naman ay education.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy