Una sa Balita

Tuklasin ang Isla ng Ticao

0 217

Kamusta mga Ka Trip Mo, Trip Ko? Isang magandang tanawin na naman ang ating lalakba­yin na sigurado akong mas hihinta­yin ninyo ang tag-init.

Ito ay isa sa mga tagong yaman kung ituring ng bansa. Sobrang mama-mangha ka sa mala-paraiso sa ganda. Kapag ikaw ay nandito na, tila kulang at mabilis ang oras, na mas nanaisin niyo na lamang mag-extend pa ng araw para mag-stay.

Mayroon namang 129 milyang parisukat ang napakaganda at sobrang daming puwedeng makita at puwedeng gawin dito sa Isla ng Ticao.

Kapag ikaw ay nandito, mae-experience mo ang paglangoy o ‘di kaya ang pag-snorkle sa malawak na karagatan na para kang isang sirena na lumalangoy kasama ang mga whale shark. At maaari niyo na rin ma-experience ang pag-dive sa makapagpigil-hiningang Manta Bowl.

At tunay ngang paraiso kung maituturing ang islang ito na matatagpuan sa Masbate. Dahil maaari rin kayong sumakay sa kabayo at mag-ikot sa isla. At alam niyo ba na ang Ticao Island ay kinikilala bilang Manta Ray Capital of the Philippines? Kaya naman kapag kayo ay nagpunta dito, huwag ninyong kalimutang dumaan at ma-experience ang mga pakain ng mga man tray. Kaya naman magandang pumunta dito ng mga buwan ng tag-init.

Maaari rin kayong mag-island hopping sa mga sumusunod: Halea Nature Park, Borobangcaso Islet at para naman sa mahilig sa falls, maari ninyo rin madaanan ang Catandayagan Falls. Isa sa mga nagustuhan ko ring puntahan ay ang Matang Tubig Spring. Ito ay na­tural na tubig-bukal at ang nakakamangha dito ay ang linaw at kulay ng tubig nito na saphire at minsan ay emerald.

Paano makapunta dito? Maaari kayong sumakay ng Cebu Pacific Air o Philippine Airlines. Mula rito papuntang Masbate City Port sasakay naman kayo ng super ferry pa­puntang Lagundi, Ticao Island.

Masarap talaga makaranas ng malayuang biyahe paminsan minsan mga ka-Abante, Lalo na kung mabubusog ang inyong mga mata ng magaganda at bagong tanawin sa inyo. Kaya naman walang masama kung mapag-ipunan ninyo kahit dalawa o tatlong beses na bakasyong grande ang inyong iregalo sa sarili. Dahil importante rin ang kumawala kahit ilang oras o ‘di kaya araw sa sobrang stress natin sa buhay. ‘Ika nga nila, para tayong baterya na nalo-lowbat din at kailangang i-charge.

Ayan mga ka-Abante, maglakbay ta­yong muli sa susunod na Sabado.
Twitter Account: @jennifergo2011
Email add: jennifergo2011@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More