Una sa Balita

Tuguegarao airport bukas na matapos masira ni Ompong

By
0 69

BUMALIK na sa normal ang operasyon ang Tuguegarao airport sa Cagayan matapos masira ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kahapon ng alas-10:00 nang umaga ay binuksan na muli ng Department of Transportation (DOTr) at Ci­vil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paliparan.

Makakaasa aniya ang mga pasahero na maayos at ligtas ang kanilang biyahe matapos ang agarang pagsasaayos sa napinsalang terminal ng airport.

Dahil dito inaasahan ng Malacañang na magtuloy-tuloy na ang regular flights ng mga eroplano na may rutang Manila-Tuguegarao at vice-versa.

“Binuksan na muli ng DOTr at ng CAAP sa publiko ang Tuguegarao airport na napinsala noong bagyong Ompong. Ito ay sinigurong ligtas at maayos para sa mga pasaherong palabas at papunta ng probinsiya ng Cagayan. We expect regular flights to resume between Manila and Tuguegarao,” ani Roque.

Matapos manalasa ang bagyong Ompong ay nasira ang airport terminal kasama na ang baggage carousel, X-ray machine at ilang mga computer.