Una sa Balita

Tugboat bumangga sa poste ng skyway

0 207

Nasawi ang isang bargeman matapos na mahulog sa ilog-Pasig nang mabangga ng sinasakyang tugboat ang isang poste ng Skyway kamakalawa ng gabi sa Sta.Mesa, Maynila.

Wala ng buhay nang lumutang ang biktimang si Marvin Ologenio, 30, ng 177 Zaoanta Street, San Andres Bukid, Maynila.

Nasa kustodiya naman ng Manila Police District-homicide section si Adolfo Merderia, 67, tugboat operator, ng Manggahan Street, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng MPD-HS, alas-8:30 ng gabi habang pumapalaot sina Merderia at Ologenio sa ilog Pasig, sakay ng tugboat ay aksidenteng nasagi ang poste ng skyway sa San Juan River sa Bacood, Sta.Mesa.

Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog sa tugboat ang biktima dahilan para malunod sa ilog-Pasig.

Nalaman na tinangka pang sagipin ng kanyang kasama ang biktima pero hindi na ito nakita at patay na nang lumitang sa tubig.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy