Una sa Balita

Tugade supalpal sa P300B palit-jeep

By
Matinding trapik ang naranasan kahapon sa northbound lane ng EDSA, Quezon City na umabot hanggang Quezon Avenue dahil sa ‘super crazy sale’ ng isang pang-members only supermarket. (Art Son)
0 18

Problemang posibleng manahin ng susunod na administrasyon kung itutuloy ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang implementasyon ng modernization program sa mga pampasaherong jeep.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa deliberasyon para sa mahigit P70 bilyong panukalang budget ng DOTr sa 2018.

“Kung plaka ng kotse­ hindi n’yo maibigay, delayed kayo ng ilang taon sa plastic drivers license cards, why are you embarking on a new project or a new program? Babaguhin natin ang lahat ng jeep,” sabi ni Recto.

Sa ngayon pa lang ­aniya ay nakakatanggap na siya ng mga reklamo mula sa iba’t ibang panig ng bansa tungkol sa jeepney modernization program.

Naniniwala ang senador na hindi pinag-isipang mabuti ng DOTr ang programa na tinatayang gagastusan ng P300 bilyon para sakupin ang 250,000 units ng jeep na P1.2 mil­yon ang bawat isa.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito, chairman ng Senate subcommittee on finance, P80,000 sa bawat jeep ay isusubsidiya ng pamahalaan habang sasagutin ng operator o may-ari ang natitirang gastos.

“P80,000 times 250,000, that is P20 billion, if they multiply it. Now, who is going to pay for the P280 billion kung P300 billion iyong programa, who will pay for the P280 billion?” tanong naman ni Recto.

Kung susumahin din aniya hindi sasapat ang pondong ibibigay sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na P2.4 billion kada taon para sa pautang sa mga jeepney operator.

“So, P2.4 billion. And, they need P20 billion, in five years, P4 billion a year. May P2.4 billion. Saan iyong balanse pa?” dagdag ni Recto.

Nabunyag din sa pagtatanong ni Recto na target ng DOTr na kunin sa tax reform program ang kakulangan sa pondo.

“Sometimes these programs are not well-thought-of. Iyong babaguhin natin ang lahat ng jeep ay makaka-resolve ba ng traffic ‘yan? Saka na iyan, ayusin muna ang EDSA, ayusin n’yo muna iyong traffic, ayusin muna iyong MRT. Bakit ang iniisip natin ay papalitan natin lahat ng jeep?” pahayag pa ni Recto.