Una sa Balita

TUCP pumalag sa mga employer na tuloy ang negosyo kahit lumindol

0 217

Kinondena ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga employer na nagagawa pang isang ‘business as usual attitude’ sa pamamagitan ng pagpayag na magtrabaho at ilantad ang mga ito sa panganib sa kabila ng panganib sa lugar ng trabaho dulot magnitude 6.1 na lindol na umuga sa maraming tanggapan, mga pabrika at iba pang lugar ng trabaho kamakalawa.

“We received many reports from workers and employees last night about their bad ordeal with their ma­nagers, supervisors and employers who did not evacuate them out of the building and from those who were kept from going home and were ordered to return to work despite of the dangers and hazards on the workplace caused by the quake.

This company practice or policy is a form of abuse and it must be condemned because it imperils the lives of their employees and jeopardizes the safety and health of wor­kers,” pahayag ni TUCP President Raymond Mendoza.

Aniya, obligasyon ng employer at mga may-ari ng negosyo na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado sa panahon ng mga kalamidad sa trabaho tulad ng lindol, sunog at iba pang mga kakila-kilabot na mga kaganapan.

Sa kabilang dako, pinuri ng grupo ang mga employer at mga negosyo na siniguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng paggamit ng mga proteksyon sa eva­cuation sa loob ng ligtas na lugar kasunod ng kaguluhan na nilikha ng lindol.

“We thank those employers whose top of mind were to safely secure their employees and take them out of harm’s way by way of bringing them to safer place before they were advised to go home,” ani Mendoza.

Samantala, matapos ang lindol, sinabi niya na obligasyon ngayon ng mga employer at responsibilidad ng mga may-ari ng negosyo na siyasatin ang kanilang lugar ng trabaho para sa posibleng pinsala na dulot ng pag-uga upang maiwasan ang sakuna sa lugar ng trabaho sa hinaharap.

“It is possible that the damage may not be immediately obvious but it already impacted the integrity of the workplace structure and may cause irreparable damage upon aftershocks and future earthquakes. So it is important for employers to double check the work site for damages immediately after Monday’s event,” wika pa ni Mendoza.

Pinalalahanan din ni Mendoza ang mga manggagawa sa ilalim ng Republic Act 11058 na kilala bilang “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards (OSHS) and Providing Penalties for Violations Thereof” na nilagdaan bilang batas noong November 2018, ang mga manggagawa ay may karapatang tumanggi na magtrabaho kung alam nila na ang lugar ng trabaho ay hindi ligtas na magtrabaho. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy