Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tubong Negros PMA 2021 topnotcher

0 45

Isang 25-taong gulang na Negrense na nag-aral ng BS Chemical Enginee­ring sa University of the Philippines Visayas ang nagtapos na summa cum laude sa Philippine Military Academy ‘Masaligan’ Class 2021.

Si Cadet 1CL Janrey Artus, na mula sa San Enrique, Negros Occidental, ay sasali sa Philippine Navy.

Ang PMA ‘Masaligan’ (MAndirigmang SAmahan na Lakas at SandIGAN ng Bayan) Class of 2021 ay kinabibilangan ng 138 lalaki at 26 babae.

SM food to go Banner Ad

Nasa 82 Army Cadet, 46 Midshipmen at 36 Aero Cadet ang sasali sa kanilang mga branch of service bilang mga Lieutenant/Ensign kasunod ng kanilang pagtatapos sa Mayo 10.

Salutatorian naman si Cadet 1CL Daryl Briz Ramos Colita at nasa ikatlong puwesto si Cadet 1CL Vale­rie Mae Vicente Dicang, ang pinakamataas na puwesto sa kababaihan.

Samantala, apat sa Top 10 ng Masaligan Class ay mga babae. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.