Una sa Balita

Tubo ng langis sumabog sa Bangladesh, 7 patay

0 1,146

PITO katao ang nasawi habang walong iba pa ang sugatan matapos na sumabog ang isang gas pipeline sa Bangladesh sa siyudad ng Chittagong kahapon, Nobyembre 17, 2019.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang pagsambulat ng tubo ng langis sa harapan ng isang 5 palapag na gusali.

Dahil sa pagsabog, nagliparan ang iba’t ibang parte ng gusali.

Hindi pa matukoy ang mga suspect sa likod ng pagsabog samantalang isinugod naman sa ospital ang mga nasugatan sa pangyayari.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More