Una sa Balita

Tubino binalikat ang Pacific Town

0 232

ABSENT sa bakbakan sina Pacific Town Army head coach Kung Fu Reyes at ang star spiker na si Jovelyn Gonzaga.

Walang problema.

‘Yan ang pinatunayan ni Army assistant coach Rico De Guzman at buong Lady Troopers nang walisin nila nang walang kahirap-hirap ang Chef’s Classic, 25-11, 25-23, 25-17, sa unang laro ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa paluan sina Royse Tubino at Jem Gutierrez nang tumapos sila ng tig-15 points upang salyahin ang win-less pa ring Chef’s Classic (0-9) at iangat naman ang Pacific Town sa 5-4 marka.

“Ang ginawa kong adjustment lang is ‘yung pattern defense,” ani Rico.

Sa ikalawang laro, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Creamline Cool Smashers nang hagupitin ang BaliPure Purest Water Defenders, 25-11, 25-15,25-17.

Wala man si Jia Morado na nag-eensayo sa Thailand at ang volleyball phenom na si Alyssa Valdez dahil sa kanyang injury ay sinalo naman nina Jema Galanza ang opensa sa kinamadang game-high 17 points sa likod ng 17 attacks at 2 service aces. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy