Una sa Balita

Tubig sa Mactan Channel susuriin sa hospital waste

0 480

NAGSASAGAWA na ng water sampling ang Department of Environment and Natural Resouces (DENR) – Environmental Management Bureau (EMB) sa Central Visayas sa Mactan Channel matapos na ilang hazardous hospital waste ang nakitang palutang-lutang sa tubig.

Ang Mactan Channel ay ang bahagi ng dagat na naghihiwalay sa Mactan Island at mainland Cebu.

Ayon kay EMB-7 Regional Director William Cuñado, nakipag-ugna­yan na sila sa Philippine Coast Guard-Cebu para tignan ang sitwasyon sa lugar gayundin sa pagkuha ng water sample.

Nauna nang pinatawan ng EMB ng P250,000 multa ang Davao City Environmental Care Inc. at P110,000 naman sa Chong Hua Hospital matapos mapatunayang nagkaroon sila ng paglabag.

Lumitaw umano na ang Davao Environmental Care ay walang maa­yos na sistema sa pag-dispose sa hospital waste habang ang Chong Hua Hospital ay nagkaroon ng kapabayaan sa hindi nila pagdokumento sa pagtatapon ng kanilang hazardous waste.

Napag-alaman na ang Certificate of Transfer sa pagitan ng ospital at waste treatment company ay napaso na noong Setyembre 2018.

Tiniyak ni Cuñado na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasaga­wang imbestigasyon sa nakitang palutang-lutang na hospital waste at mas marami pang mananagot sa nangyaring ito. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy