Una sa Balita

Tubid bugbog sarado kay Wells

0 434

Laman ng usapan ang nangyaring bakbakan sa practice ng San Miguel Beer sa Upper Deck Sports Center sa Pasig.

‘Di ito normal na parte ng routine sa araw-araw na ensayo ng Beermen. Nagkainitan, pisikalan, sigawan na ugat sa hard pick ni Spiderman Arwind Santos kay import Dezmine Wells na bumagsak.

Kinompronta ni Wells si Santos at nagsagutan ang dalawa, ang masama ay nagkampihan ang ilang miyembro ng team. Back up para kay Wells si Kelly Nabong na bago-bago pa lang sa team, ang ibang players naman ay umaawat sa gulo.

Nakahirit ng suntok ang import sa umaawat na si Ronald Tubid, napahiga si Tubid na bumawi rin ng buntal saka iginanti ni Nabong si Wells kay Tubid.

Tapos pumagitna ni coach Leo Austria pinayapa na nito si Santos para humupa ang tensyon.

Ngunit mga Ka-Abante, ‘di pa agad natapos ang umbagan. ‘Di nagpaawat ang import at sumugod para sapakin si Tubid, tila kumulo ang dugo ni Wells kay The Saint. Bugbog, putok kilay, samahan pa ng bukol, ‘ ang mga natamo ni Tubid mula sa import.

Sa nangyaring paghabol ni Wells kay Tubid bumalik si Santos para tulungan ang kaibigan, pero humarang. Si Nabong, nagsilbing shield ni Wells para walang makakanti sa import at walang makaabot na back up kay Tubid.

Nangayari pa ito sa kaarawan ni five-time MVP Junemar Fajardo kaya maraming fans ang nasa gym. Nagpunta sila ‘di para saksihan ang away kundi batiin ang kanilang idolo. Kung ikaw ang nakasaksi, baka maisip mo, surprise ba ito?

Prank ba ito? Part ba ito ng sorpresa para kay The Kraken? Sana nga naging prank na lang ito tapos sabay sigaw ng happy birthday kay Kraken para wala na sanang sakitang nangyari pa. Pero hindi, ‘di biro ang nangyari, totohanang sakitan at sigawan. Imbes nga na ganahan kang magdiwang ng iyong kaarawan kasama ng iyong team, mas mi­nabuti na ni Junemar na makasama ang kanyang ina, stress free, worry free, positive vibes lang.

Hindi na rin naman nakapagtataka ang mga ganitong insidente, talagang nagkakapikunan din ang mga player kahit pa magkakasama sila sa iisang team. ‘Di mo naman maitatago ang emosyon mo basta-basta lalo na kung masyadong nagkakapisikalan.

Mainit na laro ang basketball, utakan, pisikalan, matira matibay. Ito nga ang sport na hindi puwede ang takot masaktan, sabi nga ni Jawo, mag-chess ka na lang kung ayaw mong masaktan. Tama naman! Sigurado naman na ‘di ito makasisira sa rapport ng team, mala­laki na sila, matatanda na sila, ipapagpag lang nila ito, at the end of the day, naglalaro sila para sa iisang team. ‘Di na kailangang patambayin pa ang nangyari, ‘ ‘wag nang palakihin pa, move forward pa.

Alalahanin na lang nila na mahaba pa ang tatakbuhin ng liga kaya kinakailangan nilang maging isa! Mighty Beermen nga ‘di ba?
***
Patuloy po ninyong suportahan ang Sporta­lakan sa Abante News Online tuwing Martes, alas-6:00 nang gabi. Salamat po mga Ka-Abante. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy