Una sa Balita

Tsupi na Kim, Bea, Jodi: Kris patutunayang siya pa rin ang Horror Queen

0 243

abante-i-know-better-jun-nardoSi Kris Aquino naman ang kapareha ni Derek Ramsay ngayong 2019 Metro Manila Film Festival after Jennylyn Mercado sa dalawang filmfest movies, ang “English Only Please” at last year na “All of You” kung saan nanalo siya ng best actor award.

Sina Kris at Derek ang bida sa entry ng Quantum Films na “(K)Ampon” na isa sa unang four official entries na inanunsyo ng MMFF Committee last Wednesday.

Siyempre, swak agad kay Kris ang konsepto ng movie na base sa title ay horror. Ito ‘yung script na ibinigay sa kanya sa isang post sa Instagram kung saan nag-throwback siya ng poster ng horror films na ginawa gaya ng “Feng Shui” at “Sukob.”

Ang alam namin, may pelikula nang ginawa sina Kris at Derek pero parang forgettable yata ‘yon dahil parang madalian at hindi kumita.

Naku, sa pagbabalik ni Kris sa big screen, humanda na ang gustong umagaw sa titulo niya bilang Horror Queen, huh! Tsupi muna Kim Chiu, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria. Mula nga pala sa direksyon ni King Palisoc ang “K(Ampon).”

Anyway, ang tatlo pang official entries ay ang Vic Sotto-Maine Mendoza starrer na “Unstoppable”, “Miracle on Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Nadine Lustre at movie nina Vice Ganda at Anne Curtis.

‘Yung huling apat na official entries ay makakapasa base sa finished product na panonoorin pa ng Selection Committee. Dito kaya ‘yung movie nina Coco Martin at Ai Ai de las Alas at Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon mula sa Heaven’s Best Entertainment na gumawa ng last year’s MMFF na “Rainbow’s Sunset”?

Bagong serye nina Ken, Rita puno ng hugot

Pang-primetime na ang nabuong BoBrey (Boyet-Aubrey) love team nina Ken Chan at Rita Daniela base sa hit Kapuso afternoon series na “My Special Tatay.”

Ayon kina Ken at Rita, kakaiba ang matutunghayan ng kanilang fans sa kanilang character.

Saad naman ni Ken, ang buhay ng mga taga-maritime industry ang mapapanood sa kanilang bagong series.

“Kung gusto niyo humugot tungkol sa love, ito ang serye para sa inyong lahat.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy