Una sa Balita

Tsuper noon, transport biz king ‘soon’

By
0 2

Mula sa pagiging company driver, magiging may-ari na ng itatayong transportation business ang isang padre-de-fami­lia mula sa Quezon City matapos mahagip ang P50 milyong jackpot sa lotto.

Nang kubrahin ng 54-anyos na company driver ang P50 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto sa tanggapan ni PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, isiniwalat ng lalaking may apat na anak na agad siyang bibili ng house and lot sa nakuhang premyo.

Sa bola noong Agosto 28, nahagip ng driver ang kumbinasyong 02-03-12-15-20-22 gamit ang birthdates ng mga miyembro ng pamilya. Nabatid na noon pang 1996 tumataya sa lotto ang driver.