Una sa Balita

Tsuper ng tricycle todas sa van driver

0 273

NASAWI ang isang 55-anyos na driver­ nang salpukin ang minamanehong tricycle ng isang L300 van sa isang intersection sa Carmona, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Carmona Hospital Medical Center si Bernardino Tenedero, ng 10361 Brgy. Cabilang Baybay Carmona, Cavite.

Hawak naman na ng Carmona police ang driver ng isang puting Mitsubishi L300 van na may conduction sticker na B3 B855 na si Stephen Malayon, 40, ng Brgy. Veterans Bagong Silang, Quezon City.

Sa ulat ni P/Cpl. Emerson Busto, ng Carmona Municipal Police Station, alas-8:05 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona, Cavite kung saan patungo sa Carmona Town proper ang kapwa driver.

Minamaneho ng biktima ang kanyang pulang tricycle at pagsapit sa nasabing intersection ay sinalpok ng minamanehong Mitsubishi L300 ng suspek.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver­ ng van kaya hindi na nito nagawang pigilin pa ang preno ng kanyang sasakyan. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy