Una sa Balita

Tsuper ng Philtranco patay, 16 pa nadale ng karambola sa Quezon

By
0 2,260

Dahil sa karambola ng dalawang truck at isang pampasaherong bus ay dalawa katao ang nasawi habang 15 pa ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Maharlika highway Diversion Road, Barangay Sta. Catalina, Atimonan, Quezon Martes ng gabi.

Dead on the spot ang driver ng Philtranco bus na si Juan Manuel Viñas Bron III, 28, at ang isa pang pasahero na si Lorenzo Salundagit Lesano, 52 anyos.

Batay sa report ng Atimonan police, bandang alas-nuwebe ng gabi, magkakasunod na tumatakbo sa pababang bahagi ng highway ang isang trailer truck, Philtranco bus at isang ten wheeler truck patungong direksyon ng Bicol ng mawalan umano ng kontrol ang nasa pinakahuling trailer truck.

Inararo nito ang bus na dahil sa lakas ng impact at tumawid sa kabilang lane hanggang sa mahulog sa may 40 feet na lalim na bangin.

Sunod namang sinagasa ng trailer ang nasa una­hang ten wheeler truck na bumangga naman sa puno ng niyog.

Nagtamo ng mga pinsala ang mga pasahero ng bus at ang pahinante at ang driver ng ten wheeler truck na si Paulino Omi­ping Pataytay, 48 anyos, na agad isinugod sa mga ospital sa Atimonan at Lucena City.

Kritikal din ang kondisyon ang driver ng nang-ararong trailer truck na si Flacielito Agustin Abalos.