Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tsuper nagnenok ng P100 sa hardware, tiklo

0 103

Kahit P100 na laman ng kaha ng isang hardware ay pinatos na kunin ng 20-anyos na driver sa Tanza, Cavite.

Kasong qualified theft ang isinampa laban sa suspek na si Elizalde Madeja, binata, delivery driver sa Reyviel Hardware at residente ng Brgy. Bagtas, dahil sa reklamo ng may-ari ng hardware na si Analyn Fernan, 42.

Sa ulat ni ng Tanza Municipal Police, alas-kwatro kamakalawa ng hapon nang sumalisi ang suspek ng halagang P100 sa kaha sa loob ng naturang hardware.

Pero ligid sa kaalaman ng suspek, nakatutok sa kanya ang close circuit television (CCTV) at nakuha ito na aktong sumimpleng ibinulsa ang pera na siyang ginamit na ebidensiya laban sa kanya.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Tanza Custodial Center matapos itong arestuhin. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.