Una sa Balita

Tsuper na tulak ng droga tiklo sa ‘tip’ ng concerned citizen

By
0 89

ARESTADO ang isang jeepney driver matapos ipahuli ng isang concerned citizen sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa umano’y pagtutulak ng droga, kamaka­lawa nang hapon sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na nakapalag sa mga tauhan ng MPD -Police Station 4 (PS4) ang suspek na si Artemio Camunias Jr., 32-an­yos, at taga-No. 1832 Interio­r 18, Dapo St., Pandacan, Maynila.

Nabatid na isang tawag sa telepono ang natanggap ng MPD-PS4 kaugnay sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa may Paltok St., Sampaloc, dakong ala-1:30 nang hapon.

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar at dito naabutan ang suspek at nang kapkapan nakuha sa bulsa ng suspek ang isang sachet ng shabu.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic act 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.