Una sa Balita

Tsuper na bumibili ng ‘nganga’ sa Benguet binoga, dedo

By
0 194

TODAS ang isang driver matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin­ habang bumibili­ lamang­ ng betel nut o nganga sa isang tindahan sa Shilan, La ­Trinidad, Benguet noong Martes.

Kinilala ng La Trinidad Police Station (LTPS) na si Jerold ­Angos Pulas, 44, ng Bahong, La Trinidad, ng nasabing lalawigan.

Batay sa report ng LTPS, ayon sa kapatid­ ng biktima na si Henry Pulas, bumili lamang ng betel nut ang biktima sa kalapit na tindahan nang may lumapit sa kanya ang suspek at bigla itong pinagbabaril.

Abante Hiring – IT dep

Nagtamo ang ­biktima ng dalawang tama ng bala sa ulo habang narekober mula sa pinangyarihan ng ­insidente ang tatlong basyo ng bala ng hindi pa malaman na kalibre.

Sinabi ni Henry na wala umanong silang natatangap na banta sa buhay ng kanyang kapatid kaya’t wala silang pinaghihinalang suspek sa krimen.

Ayon sa LTPS titignan nila ang CCTV footage mula sa lugar ng krimen upang ­ma­laman kung saan nanggaling ang suspek at matukoy kung sino ito.