Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tsukii preparado sa World Games

0 86

BIYAHENG Amerika na si national women’s karateka Junna Tsukii para sa July 7-17 na World Games sa Birmingham, Alabama.

Bukod kay Tsukii, bibira rin sa prestihiyosong sports event ang mga cue artist na sina Carlo Biado at Rubilen Amit.

Ang World no.4 karateka na si Juna Tsukii at si Philippine team foreign coach Okay Arpa ay nagtuno na Miyerkoles papunta sa New York kung saan gugugol sila ng isang linggong sparring kasama ang mga miyembro ng US National team bago pumunta sa Games.

Si Tsukii ay kagagaling lamang sa Serbia kung saan ito sumailalim sa isang linggong training camp kasama ang mga national squad doon habang si Arpa ay magmumula sa Maynila.

Ang defending pool champion naman na si Biado at Hanoi SEA games double gold medalist na si Amit ang ikalawang batch na lilipad patungong New York, kung saan sasailalim sila sa solidong 10-araw na pagsasanay bago tumuloy sa Birmingham.

Halos sabahy naman ang schedule ng muay thai medal hopeful na si Philip Delarmino at kanyang coach na si Billy Alumno na aalis patungong New York sa Linggo, Hulyo 3 para makasama ang isa pang Fil-Am na si Leena Bade sa huling yugto ng kanilang paghahanda.

Nakatakdang lumipad sina powerlifter Joyce Reboton at coach Willord Capulong sa Hulyo 4 para sa nakatakda nitong paglahok sa Hulyo 9.

Inaasahang pupunta rin sina Kim Mangrobang at coach Annie De Leon sa Hulyo 6, sa parehong petsa na aalis si Fer Casares sa Espanya para sa duathlon event sa Hulyo 16.

Nasa huling yugto ng pagsasanay ang jiu jitsu artist na si Annie Ramirez at ang kanyang coach na si Gian Dee bago sila umalis sa Hulyo 1.

Ito ang pinakamalaking delegasyon ng Pilipinas sa World Games, isang kompetisyon para sa non-Olympic sport na ginaganap tuwing pagkatapos ng isang Olympic year. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.