Una sa Balita

Tsukii naka-bronze, tinadyakan si Hubrich

0 202

PAGKATAPOS manalo ng gold medal si Filipino-Japanese karateka Juna Tsukii sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ay tumutok na ito sa kanyang asam na makalaro sa Olympics.

Maganda ang simula ng kampanya ni 28-year-old Tsukii dahil humablot ito ng bronze medal sa katatapos na Olympic Qualifying Karate 1 Series A na ginanap sa Santiago, Chile.

Lumakas ang tsansa ni Philippine bet Tsukii na mag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics matapos pagpagin si Shara Hubrich, 2-1, sa bronze medal match ng female 50kgs.

Nag-bye muna sa first round ng elimination si Tsukii, bago tinalbos si Moldir Zhangbyrbay ng Kazakhstan sa 2nd round.

Yumuko naman si Tsukii kay Yorgelis Salazar ng Venezuela sa sumunod na laban kaya lumanding siya sa bronze medal match.

Malaking bagay ang bronze medal finish ni Tsukii, puwedeng maging daan para maging No.1 sa Asya at masungkit ang Olympic berth.

Ang kampanya ni Tsukii ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More