Una sa Balita

Tsukii mangangarate sa Tokyo Games

0 268

Tuloy-tuloy si Filipino-Japanese Junna Tsukii sa kanyang layunin na mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa dara­ting na Hulyo 25-Agosto 9.

Nais niyang makakuha pa ng karagdagang Olympic points, kaya patuloy ang mga pagsali sa iba’t ibang kompetisyon.

Pinakabagong nasa kukote niya ang World Karate Federation’s 2020 Karate-1 Premier League Paris sa France sa linggong ito.

Target ng 28-year old karateka ang pangalawang podium sa loob ng dalawang Linggo matapos manalo ng bronze medal sa Karate 1 Premier sa Santiago, Chile nito lang Enero 11.

Babanat si Tsukii female 50 kilograms, muling makakaharap ang best karatekas sa mundo, sisikapin nitong makalikom ng mahalagang puntos upang mapaganda ang kanyang Olympic standings.

Pagkatapos sa Chile, agad siyang magtutungo sa Paris para sa week long training camp bago sumalang sa competition pa rin doon.

Umabot si Tsukii sa semifinals nakaraang taong Paris League. Pakay rin ng SEA Games gold medalist at bronze winner sa 2018 Asian Games na makuha ang top the Asian ranking para sa automatic berth sa Tokyo Games.

Kasalukuyang nasa 4th sa Asia si Tsukii matapos kalawitin ang apat na bronze sa WKF Karate 1 Premier League. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More