Una sa Balita

Tsukii amoy na ang Olympics

0 312

UMANGAT sa pangkala­hatang ikatlong puwesto sa ranking ang Fil-Japanese na si Junna Tsukii upang pagandahin ang kanyang tsansa na masungkit ang isa sa mga pinaglalabanang silya sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Ito ay matapos na ang Asian Games bronze medalist na si Tsukii ay magwagi ng tansong medalya sa women’s 50kgs. division ng World Karate Federation Series A Karate Championships sa Santiago, Chile at sundan ng isa pang tanso sa 2020 Karate 1 Premier League sa Paris, France.

Ang 28-anyos na anak ng isang Pinay at tatay na Japanese mula sa Pasay ay tangka naman ang unang puwesto para sa magrerepresenta sa Asia upang agad na makapagkuwalipika.

“A Japanese is currently occupying the first spot right now, and since they are the host, she will be automatically seeded and will have the top spot given to the other country in the qualifying. That is what I am aiming now,” sabi lamang ni Tsukii. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More