Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tsugi sa coronavirus trumiple

0 74

Nagtriple umano ang bilang ng itinaas ng mga namatay na COVID-19 patient sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region (NCR).

Ito ang lumabas sa pagsasaliksik ng OCTA Research kung saan pawang mga nasa edad 65 pataas ang namamatay.

Mula March 28 hanggang April 13, pumalo sa 5.36% ang itinaas ng mortality rate kumpara sa 1.82% na case fatality rate.

SM food to go Banner Ad

Ang mga napunong ospital na hindi kayang tumanggap ng mga pas­yente ang isa sa mga pa­ngunahing dahilan ng pagkamatay ng mara­ming tinamaan ng COVID-19.

Dumagdag pa ang pagdami ng iba’t ibang uri ng variant na halos nagkasabay-sabay na dumapo sa mga pasyente. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.