Una sa Balita

Tsokolate maganda sa balat

0 225

ANG tsokolate ay hindi lamang ­matamis at masarap, mayroon din itong mga bene­pisiyo sa kalusugan.

Alam niyo ba na ang tsokolate ay mabuti rin sa balat ng tao?

Isa lamang ito sa ini­aalok ng ­Malagos ­Chocolate Spa sa Davao City na nagbibigay ng kasiyahan, at nakakarelaks na karanasan sa tsokolate.

Sinabi ni ­Hermie ­Tabanag, general mana­ger ng Malagos ­Garden resort bukod sa pagiging­ antioxidant, ang tsokolate­ ay talagang pagkain para sa balat.

Mainam aniya itong ipahatid sa balat, ­dahil mayroon itong tinata­wag na flavanoids at mabuti din ito sa mga linya upang mawala ang mga kulubot kaya tala­gang pagkain ito ng balat.

Matatagpuan ito sa Malagos Garden Resort sa Davao City.

Ang chocolate spa ay may iba’t ibang mga handog kabilang ang 45 minutong foot at leg massage. Ibubuhos ng therapist ang mainit na tsokolate sa iyong mga binti na nakakapagbigay ng ginhawa.

Mayroon ding isang oras na long chocolate facial na ginagamitan ng dinurog na cacao nibs, at saging na may oatmeal bilang facial ­exfoliants. Ang ­natunaw na tsokolate ay ­ikakalat sa buong mukha para sa nakakarelaks na ­paki­ram­dam.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy