Una sa Balita

Tsokolate, alak kinulimbat sa 2 convenience store

By
0 285

Tinalo ng mga kawatan ang dalawang kilalang convenience store sa Pasig at Mandaluyong City matapos pagnakawan ng mamahaling alak at mga imported chocolate kamakalawa nang umaga.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Bernabe Balba, arestado sina Antonio Marinas y Quitiongco, 60-anyos, at residente ng Villa Lamok, Barangay Sagad, Pasig City at Michael Cornes y Lapinig, nasa hustong gulang at residente ng Mandaluyong City.

Ayon kay PSSupt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig Police, nahuli si Marinas ng mga tauhan ng PCP-4 bandang alas-siete kamakalawa nang umaga matapos itakas ang dalawang bote ng 200 ml Johnny Walker liquor (Black and Red Label) na nagkakahalaga ng P790.00 sa loob ng Ministop Rotonda branch na matatagpuan sa Pasig Blvd., Barangay Caniogan, Pasig City.

Nabuking ang ginawang pagtakas ni Marinas dala ang dalawang bote ng alak nang makita ng store supervisor ng Ministop na si Bingrace Sola na papalabas na ito at nang sitahin ay agad na lumabas dala ang bote.

Samantala, sa pagnanakaw naman ng limang assorted chocolates ang dahilan ng pagkakakulong ni Cornes matapos mangupit sa loob ng 7-Ele­ven convenience store sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy